Home NATIONWIDE Walang Pilipinong nasaktan sa Berlin Pride attack — DFA

Walang Pilipinong nasaktan sa Berlin Pride attack — DFA

5
0

MANILA, Philippines — Walang Pilipinong naiulat na nasaktan matapos araruhin ng isang sasakyan ang mga tao malapit sa Pride celebrations sa Berlin nitong weekend, ayon sa Department of Foreign Affairs nitong Lunes.

Sinabi ng DFA na nagmula ang impormasyon sa Philippine Embassy sa Berlin. Wala ring naiulat na Pilipinong nasugatan mula sa Migrant Workers Office at Overseas Workers Welfare Administration sa lungsod.

“The Embassy is continuously monitoring the developments and will try to contact the police authorities on the matter today,” pahayag ng DFA.

Isang tao ang nasawi at 17 iba pa ang nasugatan matapos araruhin ng isang minivan ang mga tao sa Tiergarten park malapit sa Brandenburg Gate, kung saan idinaraos ang isang malaking LGBTQ Pride gathering.

Ayon sa Berlin police, nagtungo kalaunan ang suspek sa Spandau district ng lungsod, kung saan siya binaril at napatay ng mga awtoridad noong Linggo. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here