DAVAO ORIENTAL — Isang magnitude 5.6 na lindol ang tumama sa karagatan ng Baganga, Davao Oriental, nitong Martes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Naitala ang tectonic earthquake alas-7:06 ng umaga, na may epicenter 33 kilometro sa silangan ng Baganga at lalim na 20 kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa Digos City, Davao del Sur.
Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang pinsala ngunit posible ang mga aftershock. Santi Celario