Home METRO M-5.6 na lindol, yumanig sa karagatan ng Davao Oriental

M-5.6 na lindol, yumanig sa karagatan ng Davao Oriental

1
0

DAVAO ORIENTAL — Isang magnitude 5.6 na lindol ang tumama sa karagatan ng Baganga, Davao Oriental, nitong Martes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Naitala ang tectonic earthquake alas-7:06 ng umaga, na may epicenter 33 kilometro sa silangan ng Baganga at lalim na 20 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa Digos City, Davao del Sur.

Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang pinsala ngunit posible ang mga aftershock. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here