Home METRO Kalsada sa Sultan Kudaran, sarado sa landslide

Kalsada sa Sultan Kudaran, sarado sa landslide

3
0

LSULTAN KUDARAT, Philippines – Isinara mula pa noong Lunes ang isang provincial road na nag-uugnay sa Barangay Poloy-Poloy at Barangay Salangsang sa Lebak, Sultan Kudarat matapos itong masira ng landslide.

Ayon sa Barangay Local Government Unit ng Poloy-Poloy at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), gumuho ang bahagi ng kalsada at natabunan ito ng mga bato, putik, sanga ng puno, at iba pang debris kaya delikado itong daanan.

May isa pang landslide sa Km. 13 kung saan tumagilid ang ilang poste ng kuryente, na lalo pang nagdulot ng panganib sa mga motorista.

Patuloy ang clearing operations at sinusuri pa ng mga awtoridad kung ligtas nang buksan muli ang kalsada. Pinaniniwalaang dulot ang mga landslide ng ilang araw na tuloy-tuloy na pag-ulan sa lugar.

Pansamantalang pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa Barangay Bululawan patungong Barangay Salangsang habang hindi pa naaayos ang nasirang kalsada.

Malaki ang epekto ng pagsasara ng kalsada sa mga residente, lalo na sa mga magsasaka at negosyanteng nagdadala ng kanilang mga produkto at mga pamilyang bumibili ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here