Home NATIONWIDE SONA ni PBBM pinuna ng climate groups

SONA ni PBBM pinuna ng climate groups

1
0

MANILA, Philippines – Pinuna ng ilang climate groups ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil umano’y hindi nito tinalakay ang ilang mahahalagang isyu sa klima.

Ayon sa Aksyon Klima Pilipinas, hindi nabanggit ng Pangulo ang banta ng Super El Niño, na inaasahang mararamdaman sa huling bahagi ng 2026 at posibleng kasabay ng malalakas na bagyo.

Sinabi rin ng mga grupo na bagama’t itinulak ng Pangulo ang waste-to-energy, nuclear energy, at pag-amyenda sa EPIRA, mas dapat umanong bigyang-priyoridad ang renewable energy tulad ng solar at wind power.

Pinuna rin ng Greenpeace Philippines ang patuloy na pagsuporta sa nuclear power at fossil fuels, na anila’y magastos at may panganib sa kalikasan at kalusugan.

Samantala, sinabi ng Mobility Awards na hindi nabigyang-pansin sa SONA ang pagpapalawak ng ligtas na bike lanes at walkways, kahit karamihan ng mga Pilipino ay sumusuporta rito. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here