Home HOME BANNER STORY Lacson nagsumite ng ebidensya sa Ombudsman

Lacson nagsumite ng ebidensya sa Ombudsman

4
0

MANILA, Philippines – Isinumite ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa Office of the Ombudsman ang mga dokumento at testimonya kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control project sa Taguig City.

Ayon kay Lacson, maaaring magsagawa ang Ombudsman ng sariling imbestigasyon at pag-aralan ang pagsasampa ng kasong plunder, malversation, at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Kabilang sa mga umano’y natuklasan ang paggamit ng iisang larawan sa magkaibang proyekto, dobleng pondo para sa isang slope protection project, ghost projects, at ilegal na reclamation na ipinasa umano bilang slope protection. Sinabi rin niyang iisang tao umano ang kumokontrol sa mga ito mula pa noong 2019.

Iniuugnay ni Lacson ang mga alegasyon kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, na mariing itinanggi ang mga paratang. Sinabi ni Cayetano na handa siyang sagutin ang mga ito sa tamang forum.

“I was just informed na may finile si Senator Panfilo Lacson sa Ombudsman. I welcome that because in the same manner that I tell everyone that kailangan ng accountability, same din naman. Ang sabi ko lang naman, sa tamang venue, tamang panahon,” ani Cayetano.

Nagbabala rin siya laban sa mga “malicious accusations” at iginiit na handa siyang harapin ang mga paratang.

Samantala, sinabi ni Lacson na magpapatuloy siya sa pangangalap ng mga testigo at karagdagang ebidensya upang makatulong sa imbestigasyon ng Ombudsman. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here