Home METRO Ama dedo sa pamamaril sa Binondo

Ama dedo sa pamamaril sa Binondo

1
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang 30-anyos na ama matapos barilin sa harap ng kanyang pamilya sa Barangay 275, Binondo, Manila noong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang biktima sa alyas na “Aldrin.” Kasama niya ang kanyang partner at mga anak nang dumating ang dalawang armadong lalaki at binaril siya nang malapitan. Tinamaan din ng ligaw na bala ang kanilang dalawang taong gulang na anak na babae.

Dinala sa ospital ang biktima ngunit kalaunan ay namatay dahil sa tama ng bala.

Bumuo ang pulisya ng special investigation team mula sa Delpan Police Station at homicide section upang imbestigahan ang krimen.

Makikita sa CCTV ang isang lalaking naka-jersey na nagtatanong tungkol sa biktima bago ang pamamaril. Maya-maya, bumalik ito kasama ang dalawang armadong lalaki. Naaresto na ang hinihinalang lookout at nakilala na rin ang dalawang gunman na patuloy pang pinaghahanap.

Isa sa mga anggulong tinitingnan ng pulisya ay ang ilegal na droga. Ayon sa kanila, umano’y dating gumagamit ng droga ang biktima at sangkot din sa bentahan ng ilegal na droga. Kakalaya lamang din umano nito mahigit dalawang buwan na ang nakalipas matapos maaresto sa kasong illegal possession of firearms.

Mahaharap sa kasong murder ang naarestong suspek, kasama ang dalawa pang gunman na nananatiling nakakatakas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here