Home NATIONWIDE Ex-OFW sa GenSan, paldo ng P97.9-M lotto jackpot

Ex-OFW sa GenSan, paldo ng P97.9-M lotto jackpot

2
0

MANILA, Philippines — Isang dating overseas Filipino worker mula sa General Santos City ang solong nanalo ng P97,966,977.93 jackpot sa Mega Lotto 6/45 draw noong Hulyo 3, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Tinamaan ng mananaya ang winning combination na 43-02-13-05-36-01 matapos tumaya ng apat na Lucky Pick combinations sa halagang P100.

Ayon sa PCSO, katatapos lamang ng kontrata ng nanalo bilang OFW bago ito nagtayo ng maliit na negosyo.

Pitong taon na umano siyang tumataya sa lotto matapos mahikayat ng isang kamag-anak na dati na ring nanalo ng jackpot sa PCSO.

Plano niyang gamitin ang premyo upang palakihin ang negosyo, bumili ng bahay, at magtabi para sa kaniyang kinabukasan.

Samantala, walang nanalo sa mga major lotto draw nitong Martes, Hulyo 28.

Umakyat sa P164,653,649.18 ang jackpot ng Ultra Lotto 6/58 matapos walang tumama sa kombinasyong 32-48-34-55-30-07.

Wala ring nanalo sa P25-milyong jackpot ng Super Lotto 6/49, na may kombinasyong 05-13-15-37-21-40.

Hindi rin napanalunan ang P10,466,741.76 jackpot ng Lotto 6/42 matapos walang tumama sa mga numerong 41-03-07-39-25-24. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here