Home OPINION NAKAYAYANIG SA SONA, NASAAN?

NAKAYAYANIG SA SONA, NASAAN?

3
0

SA isang oras at kalahati na State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos kamakalawa, walang makita ang Lupa’t Langit na nakayayanig, gaya ng sinasabi ni Manang Claire Castro.

Kung meron man, ‘yung walang nangyayari na mga kaso sa malakihang pagnanakaw o pagkikbak sa kaban ng bayan ng kanyang pinakamalalapit na mga kamag-anak sa flood control program, bigas, sibuyas, asukal at iba pa.

Wala pang katuparan ang noo’y nakayayanig na salitang “Mahiya naman kayo!” na nakasentro sa trilyon pisong kikbakan sa flood control program.

Sa halip, ang kanyang mga kritiko at nagpapatupad ng sustansya ng “Mahiya naman kayo” ang mabilis na pinakulong gaya nina Senador Dante Marcoleta at Jinggoy Estrada habang hinahabol si Ronald “Bato” dela Rosa para itapon sa The Hague, Netherlands.

At may nanganganib pang ibang senador na papuntang kulungan…kung susundan nila ang yapak nina Marcoleta, Estrada at Dela Rosa.

At ang mga pagkakaso at pagkukulong ang tunay na nakayayanig at may tunay na chilling effect sa sinoman na gustong maglabas ng hinaing laban sa katiwalian sa pamahalaan.

Isa pang maaaring nakayayanig, tila naging malungkot o kaya’y galit na si PBBM pagpasok sa bulwagan, hindi siya nakipagkamay sa kahit kanino bukod sa isang babae na nag-alok ng kamay sa kanya sa kanyang daanan patungo sa kanyang pwesto sa rostrum, ‘di gaya noong unang SONA niya.

Nakalulungkot o nakagagalit naman talaga na hindi binanggit ang pinaggamitan ng Maharlika Fund, pinagbentahan ng ginto, pondo ng PhilHealth at PDIC at iba pa.

At katangi-tanging nakayayanig ang pahayag mismo ni Manang Claire na hindi importante na may senador sa SONA dahil pinakamahalagang marinig ng mga mamamayan ang mensahe ni PBBM.

Sa rekord, mahigit kalahati ng mga senador ang wala.

Mabuti kung nag-absent ang mga ito sa hindi maiiwasang mga dahilan.

Ang problema, nagboykot o sinadya ang hindi pagdalo ng maraming senador.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here