PINAKINGGAN nang buo ng ating Uzi ang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos kamakalawa.
Dahil SONA, dapat iulat ng Pangulo ang mga nagawa niya mula sa mga pangako iya sa nakaraang mga taon o huling SONA man lang niya at kung ano-ano ang mga gagawin, partikular ang mga solusyon sa naging problema sa nakaraan at mga bagong programa.
Bagaman may positibo, mas marami ang mga negatibo?
Hmmmmm. Bakit kaya, mga Bro?
SYSTEMS LOSS, VAT
May pinakamarami at pinakahabang palakpak sa SONA ang ukol sa systems loss at value added tax dito.
Mariing sinabi ng Pangulo na paaalisin na ang systems loss at value added tax dito sa kuryente sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act para kahit papaano bababa ang presyo rito.
Nauugat ang systems loss magnanakaw ng kuryente at paglipat ng kuryente mula sa mga planta patungo sa mga distributor at electrical cooperatives hanggang sa makarating sa mga pabrika, bahay-bahay at lighting systems sa mga kalsada ng barangay.
Para maunawaan, mga Bro, heto ang kasalukuyang mga presyo ng kuryente sa ilang bansa sa Southeast Asian Nations ASEAN.
Pilipinas, ₱12.43/kWh (pambansang presyo ito); Singapore – ₱12.34/kWh; Thailand – ₱6.00–₱8.50/kWh; Vietnam – ₱4.50–₱5.50/kWh; at Malaysia – ₱3.50–₱5.00/kWh.
Anak ng tokwa, pinakamahal sa Pinas.
Isa pa, pangako pa lang ‘yan at daraan pa sa Kongreso ang pagpapasa riyan.
Hindi kaya aabutin ng 9-9 ang pagpasa ng amyenda sa EPIRA at paano kung lalabanan ito ng mga kompanya sa elektrisidad sa mga hukuman?
Alalahanin ding tinatayang magtatagal ang impeachment trial ng 1 taon din…na kasisimula pa lang…na naging sagabal sa paggawa ng batas.
ANTI-KORAPSYON
Ginawang pambungad ng Pangulo sa SONA ang laban sa korapsyon at para sa kanya, walang kaibigan, walang kamag-anak dahil Pangulo siya ng bansa at hindi ng mga kaibigan o kamag-anak.
Ito ang isang taong pangako simula noong SONA 2025 at sa flood control program lang iyon.
Natapos at natapos ang isang taon, ang naiulat ng Pangulo laban sa mga korap ay pangako muli na kasuhan at ipakulong ang mga korap.
Hanggang ngayon, wala pang nakakasuhan o nakukulong na mga pork barrel o allocable o budget insertion kings na kanyang mga kamag-anak, gayundin ang mga nasangkot na taga-Palasyo.
Ang mabilis na nakulong ay mga kritiko ng administrasyon at lumalaban sa korapsyon at hindi na nating kailangang banggitin ang kanilang mga pangalan.
At may nanganganib pang iba na makakasuhan at makukulong na mga kritiko, kasama ang mga pabor kay VP Sara Duterte sa kasong impeachment, habang nalilibre sa kaso ang mga bumaligtad na kritiko.
Wala rin sa listahan ng mga nakukulong ang 150 kongresman, bukod sa 17 nauna, na pinangalangan ni Curlee Discaya na kumikbak sa kanya.
Ang Piggatan Bridge sa Cagayan na bumagsak noong Oktubre 6, 2025 at may haba lang na 85 metro, bagsak pa rin.
Ang Sta. Maria-Cabagan Bridge, Isabela na bumagsak noong Marso 2, 2026, pinatungan lang ng mga bakal para daanan ng mga motorsiklo at van.
Kayod pa more, Mr. President, sir!






