Home METRO 2 LPA binabantayan ng PAGASA; ilang bahagi ng Luzon uulanin

2 LPA binabantayan ng PAGASA; ilang bahagi ng Luzon uulanin

4
0

MANILA, Philippines — Binabantayan ng PAGASA ang dalawang low pressure area (LPA) sa loob at labas ng Philippine area of responsibility (PAR), ngunit kapwa hindi inaasahang magiging bagyo.

Namataan ang unang LPA sa paligid ng Baao, Camarines Sur alas-8 ng umaga nitong Miyerkules. Nabuo ito mula sa kumpol ng mga ulap sa silangan ng Samar noong Martes ng hapon.

Habang tumatawid sa katimugang Luzon, magdadala ito ng kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at ilang bahagi ng Cagayan Valley, Mimaropa at Bicol Region.

Posibleng lumabas ang LPA sa West Philippine Sea pagsapit ng Huwebes bago tuluyang humina at malusaw.

Samantala, namataan ang ikalawang LPA sa layong 1,580 kilometro silangan ng Eastern Visayas at wala itong direktang epekto sa lagay ng panahon sa bansa.

Kumikilos ito pa-silangan, palayo sa Pilipinas, at posibleng sumanib sa mas malawak na sirkulasyon ng paparating na Typhoon Dolphin.

Inaasahang tatama ang Dolphin sa silangang China sa susunod na weekend ngunit hindi ito papasok sa PAR.

Ayon sa PAGASA, umiiral ang monsoon break sa bansa dahil hindi umaabot ang southwest monsoon o Habagat.

Gayunman, maaari pa ring magdulot ang mga thunderstorm ng malakas na ulan, bugso ng hangin, pagkulog at pagkidlat sa maraming lugar tuwing hapon o gabi. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here