MANILA, Philippines – Tinatayang nasa mahigit P430 milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo ang tuluyang winasak at sinunog ng Bureau of Customs (BoC) Port of Subic matapos ma-condemn ang sampung abandonadong 40 ft container van na naglalaman ng mga nasabing kontrabando sa Subic Bay Freeport Zone.
Ayon sa BoC, isinagawa ang pagsira at pagsunog sa mga kontrabando alinsunod sa direktiba ni Customs Commissioner Ariel Nepumoceno at naging utos ni Port of Subic District Collector Atty. Geniefielle Lagmay.
Ipinatupad ito nina Deputy Collector for Operations Atty Jose “Bong” Arrolado, Auction Division Chief Ronald Pinggoy Arzadon, Custom Police, Custom Intelligence and Inveatigation Services (CIIS), mga kawani, National Tobacco Administration (NTA) at Bureau of Plant Industry (BPI) ang pagsira at pagsunog sa mga kontrabando.
Nabatid na ang mga kontrabando ay inabandona taong 2023 simula nang dumating ito sa naturang pantalan.
Layon ng hakbang ng Customs na matiyak na Hindi na muling maibenta o mapakinabangan ang mga ito sa merkado. ROEL TARAYAO