Home NATIONWIDE Sa halip magliwanag sa pagbasura bilang testigo, Escudero binatikos na lang ni...

Sa halip magliwanag sa pagbasura bilang testigo, Escudero binatikos na lang ni Trillanes  

1
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Sa halip na magpaliwang kung bakit tinanggal siya ng House prosecution panel bilang testigo sa impeachment court laban kay Vice President Sara Duterte, matinding binatikos ni dating Senador Antonio Trillanes IV si Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero.

Sa press briefing nitong Biyernes, tumanggi si Trillanes na ipaliwanag kung  ano ang sanhi ng umano’y “pressure” sa prosecution panel, pero binatikos niya si   Escudero dahil sa hindi pag-isyu ng subpoena sa kanya.

Sinabi ni Trillanes nais niya sanang sagutin kung bakit niya hiniling sa prosecution na alisin siya sa listahan ng mga testigo sa impeachment trial ni Vice President Duterte, pero nangangamba siya na baka matabunan nito ang mas mahahalagang isyu.

“Ganito po. Nais ko sanang i-address ‘yan pero kasi magiging distraction ‘yan doon sa main issue na gusto nating mapag-usapan na mas importante. Hindi naman ako petty na tao,” sabi ni Trillanes.

 “I will deal with those people behind ‘yong pressure na ‘yan later on. ‘Pag medyo maluwag-luwag na ‘yong oras ko,” dagdag niya.

Gayunpaman, kinwestyon ni Trillanes si Escudero dahil siya lang umano ang hindi binigyan ng subpoena sa mga testigo na nakalista ng prosecution para sa Article II ng Articles of Impeachment.

“Andodoon na nga ako eh kahit na (not called)… ganito, ganito ka-simple, nag-request ‘yong prosecution ng mga isa-subpoena. My name was there last week, bumalik ‘yong mga subpoena ako lang ‘yong wala. Meron bang power nang ganyan ‘yong impeachment court?

May power ba ‘yong presiding officer (na sabihing) ‘wag na muna ito?” tanong niya.

“So the signal is clear na I’m not welcome there. Ito na, I presented it. Then ‘yong mga findings namin, ipapasa na namin sa prosecution so that pwede na nila ding matanong in a larger context ‘yong mga resource persons nila later on,” aniya.

Noong September 24, nagsumite ang prosecution sa Senado ng manifestation na naglalaman ng listahan ng mga testigo mula September 28 hanggang October 2. Kabilang dito si Trillanes at ilang opisyal mula sa Philippine Government Electronic Procurement System, Land Registration Authority, PNP, at maging si Davao City Mayor Sebastian Duterte. Naipaharap ng prosecution ang iba pang opisyal maliban kay Trillanes.

Nitong Huwebes, inanunsyo ni lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro na hindi na nila ihaharap si Trillanes.

Ayon sa dating senador, siya mismo ang humiling kay Luistro na alisin ang kanyang pangalan para matanggal ang pressure sa prosecution panel.

Itinuturing na mahalagang testigo si Trillanes para sa Article II dahil ilang taon na niyang sinasabi na may mga nakatagong bank account si VP Duterte at ang kanyang pamilya, kabilang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na hindi idineklara sa SALN.

Noong April 22, nang magsagawa ng confirmatory hearing ang House committee on justice, nagpakita si Trillanes ng mga umano’y bank account ng bise. Kalaunan ay kinumpirma rin ng AMLC sa pamumuno ni Executive Director Ronel Buenaventura na tumutugma ang ilan sa mga transaksyong binanggit ni Trillanes sa kanilang minomonitor.

Sa kanyang revelasyon nitong Biyernes, sinabi ni Trillanes na may mga red flag din sa CALE88 FOODS Corp., kumpanya ng asawa ni Duterte na si Atty. Manases Carpio, tulad ng mababang bayarin sa kuryente kahit banana chip company ito, zero trade receivables at payables, at walang rank and file employees.

Mas kinababahala niya na umano’y nakatanggap ang CALE88 ng P319 milyon na cash remittances mula sa China, habang ang Tapang at Malasakit Foundation ni Duterte ay nakatanggap naman ng P150 milyon na donasyon mula sa Chinese embassy sa Pilipinas.

Ayon kay Trillanes, nakababahala ito dahil nasa sensitibong posisyon si Duterte bilang pangalawa sa pangulo. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here