Home HOME BANNER STORY Ex-DepEd official sa fire exit dumaan matapos mag-withdraw ng P112.5M – witness

Ex-DepEd official sa fire exit dumaan matapos mag-withdraw ng P112.5M – witness

13
0

MANILA, Philippines – Tumestigo ang dating branch manager ng Land Bank of the Philippines (LandBank) nitong Miyerkules, Hulyo 29 at sinabing personal na nag-encash ng tatlong tseke na nagkakahalaga ng P112.5 milyon noong 2023 ang dating opisyal ng Department of Education (DepEd).

Matapos nito ay dumaan umano ang opisyal sa fire exit para lumabas ng bangko matapos ang bawat transaksyon.

Sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, sinabi ni LandBank DepEd branch manager Nenita Camposano na nag-encash si dating DepEd Special Disbursing Officer (SDO) Edward Fajarda ng tatlong tseke na nagkakahalaga ng tig-P37.5 milyon sa branch noong Pebrero 22, Abril 26 at Hulyo 13, 2023.

Si Camposano ang ikalawang opisyal ng LandBank na ipinresenta ng House prosecution panel bilang witness para sa Article I ng Articles of Impeachment laban kay Duterte.

Dating pinangunahan ni Camposano ang LandBank Branch na nagsisilbing depository bank ng DepEd Central Office sa Pasig City, kung saan nawithdraw ang tatlong tseke at na-encash.

Binusisi naman ni defense lawyer Michael Poa ang existence, authenticity, at iba pang detalye ng tseke.

Nang tanungin tungkol sa pamamaraan ng pag-encash ng mga tseke, sinabi ni Camposano na sinunod ang parehong proseso para sa lahat ng tatlong transaksyon.

Aniya, si DepEd Chief Administrative Officer Sonia De Leon ang unang tatawag sa bangko para mag-request ng cash reservation para sa withdrawal.

Aatasan naman ni Camposano ang teller na i-forward ang request sa cash center ng LandBank.

Kailangan umano ang advance notice upang mabigyan ng oras ang bangko na maihanda ang pera dahil hindi karaniwang nag-iimbak ng ganito kalaking pera ang bangko.

Sa oras na maging available ang cash, sasabihan ni Camposano si De Leon at aabisuhan naman si Fajarda.

Dito na magtutungo si Fajarda sa bangko kung saan beberipikahin muna ang pagkakakilanlan nito bago ilabas ang cash sa backroom ng branch.

“Kapag natapos na ang proseso ng pag-validate ng tseke at pag-approve, tatawagin namin si Fajarda sa backroom. Doon ire-release na ang cash withdrawal,” sinabi ni Camposano.

Aasistihan ng bank teller si Fajarda sa backroom.

“Ilalagay na ni Mr. Fajarda sa dala niyang bag at lalabas na sila sa fire exit sa may backdoor namin… Paglabas po nila sa fire exit, hindi na po namin sila nakikita.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here