MANILA, Philippines – KINUMPIRMA ng Malakanyang na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si dating Food and Drug Administration (FDA) director general Paolo Teston at Education Undersecretary Debbie Jean Centeno-Dijamco bilang mga bagong associate justices ng Court of Tax Appeals (CTA).
Uupo sina Teston at Dijamco sa mga posisyong nabakante kasunod ng promosyon ni dating Associate Justice Maria Belen Ringpis-Liban bilang presiding justice ng CTA noong Dec. 17, 2025, at retirement ni Associate Justice Catherine Manahan noong Enero 2, 2026.
Nakatakda namang manumpa sa kanilang tungkulin sina Teston at Dijamco sa harap ni Pangulong Marcos, araw ng Miyerkules, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).
Si Teston at Dijamco ay kabilang sa 24 na pangalan na nasa shortlist na isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Marcos noong May.
Ang mga CTA justices ay sinasabing mananatili sa kanilang tanggapan hanggang sa hanggang sa maabot ng mga ito ang retirement na taong 70 years old, hanggang sa sila ay nawalan ng kakayahan o sila ay tinanggal sa kanilang puwesto. KRIS JOSE