Home NATIONWIDE Depisit sa kalakalan ng Pinas, lumaki noong Hunyo

Depisit sa kalakalan ng Pinas, lumaki noong Hunyo

1
0

MANILA, Philippines – Lumaki ang trade deficit ng Pilipinas noong Hunyo dahil mas mabilis pa ring tumaas ang imports kaysa exports, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Umabot sa $4.9 bilyon ang trade deficit, mas mataas ng 12.3 porsiyento kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon. Gayunman, ito ang pinakamaliit na trade deficit mula noong Pebrero.

Naitala rin ang pinakamataas na halaga ng exports sa kasaysayan, na umabot sa $8.78 bilyon, matapos itong tumaas ng 24.1 porsiyento.

Samantala, umabot sa $13.71 bilyon ang imports, mas mataas ng 19.6 porsiyento kumpara noong nakaraang taon, bagama’t ito ang pinakamababang antas ng imports sa loob ng dalawang buwan.

Ipinapakita ng ulat na patuloy pa ring mas malaki ang inaangkat ng bansa kaysa iniluluwas, ngunit nakatulong ang malaking pagtaas ng exports upang hindi gaanong lumaki ang kakulangan sa kalakalan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here