Nagsimula nang tumanggap ang Office of the Clerk of Court ng impeachment court ng mga dokumentong isinusumite bilang pagsunod sa mga subpoena simula pa noong umaga ng Huwebes, Hulyo 30, 2026.
Ang mga subpoena ay para sa mga rekord na pinansyal ni Bise Presidente Sara Duterte, ng kanyang asawang si Atty. Manases Carpio, at ng 20 entidad na nakasaad sa mga subpoena.
Pagsapit ng alas-12 ng tanghali, iniulat ng korte na natanggap na nito ang mga dokumentong isinumite ng Bureau of Internal Revenue (BIR), BDO Unibank, Inc., Philippine Savings Bank (PSBank), Metropolitan Bank & Trust Company (Metrobank), at Security Bank. CESAR MORALES