Home NATIONWIDE Pagpapalakas sa implementatsyon ng gov’t programs, ipinangako ni Abalos

Pagpapalakas sa implementatsyon ng gov’t programs, ipinangako ni Abalos

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Cabinet Secretary Benjamin Abalos Jr. na tututukan niya na mapalakas ang implementasyon ng mga programa ng gobyerno upang matiyak na kaagad na matutugunan ang mga hinaing ng lokal na pamahalaan, pribadong sektor at publiko.

Sa isang panayam, sinabi ni Abalos na pinahihintulutan ng kanyang tungkulin na manatili sa ground, makinig sa mga stakeholders at makipag-ugnayan sa mga ahensiya ng gobyerno upang i-translate ang mga hinaing sa konkretong aksyon.

Kabilang sa kanyang mga prayoridad ay ang palawigin ang kamalayan ng publiko at paggamit sa eGovPH App, ang digital platform ng gobyerno na nagbibigay ng mas madaling access sa public services, kabilang na ang health care.

Sa kabilang dako, nagpahayag naman ng kumpiyansa si Abalos na ipaprayoridad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsusog sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), partikular na sa probisyon na nakaaapekto sa charges na ipinasa sa mga konsyumer.

Nito lamang katatapos na ika-5 State of the Nation Address (SONA), ipinanukala ni Pangulong Marcos na alisin ang system loss charge sa electric bills ng mga konsumer, kasabay ng panawagang isaalang-alang ang posibleng epekto nito sa operasyon at pinansyal na katatagan ng mga power distribution utility.

Winelcome naman ni Abalos ang panukala ng Pangulo na itaas ang income tax exemption threshold sa P350,000.

“I’m sure with this, the President has already given a marching order,” ani Abalos. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here