Home NATIONWIDE Paglabas ng warrant vs 18 ‘maleta boys’ nasa pagpapasya ng Korte –...

Paglabas ng warrant vs 18 ‘maleta boys’ nasa pagpapasya ng Korte – DOJ

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Justice (DOJ) na korte ang magpapasya kung maglalabas ng warrant of arrest laban sa 18 “Maleta Boys” at sa kanilang abogado na si Levito Baligod, na nahaharap sa mga kasong cyberlibel at perjury.

Ayon kay DOJ Undersecretary Nicholas Felix Ty, nasa kapangyarihan ng Regional Trial Courts (RTC) ng Las Piñas, Muntinlupa, San Juan, at Caloocan ang paglalabas ng warrant.

“Sa puntong ito, labas na sa kamay namin ang paglabas ng warrant of arrest. Ang mga korte na mismo ang may pasya kung ilalabas nila ang warrant of arrest,” aniya.

Kinasuhan sina Baligod at ang 18 respondent dahil sa kanilang mga pahayag tungkol sa umano’y payoff na ibinigay ng dating kongresistang Zaldy Co sa iba’t ibang tao, kabilang ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng gobyerno.

Sa isang post sa Facebook, sinabi ni Baligod na umano’y pinoproseso ng mga prosecutor ang pagkuha ng mga warrant sa loob ng linggong ito.

“Sila mismo nag-file sa OCCs (Office of the Clerk of Court), hinihintay ma-raffle para makakuha sila ng warrants of arrest sa Friday,” aniya.

Ngunit nilinaw ni DOJ Undersecretary Ian Norman Dato na ang kaso lamang sa RTC ng Caloocan ang na-raffle na sa isang partikular na sangay, habang ang mga kaso sa Las Piñas, Muntinlupa, at San Juan ay naghihintay pa ng raffle.

Tiniyak din ni Dato na mahigpit na sinusunod ng mga government prosecutor ang mga umiiral na patakaran at proseso.

“I am confident those swill tand scrutiny and they have followed strictly the rules of procedure,” aniya.

Dagdag pa niya, ang inirerekomendang piyansa ay ₱18,000 bawat respondent para sa perjury at ₱10,000 para sa cyberlibel. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here