Home HOME BANNER STORY DOLE, ikinalungkot suspensyon ng P85 wage hike sa Metro Manila

DOLE, ikinalungkot suspensyon ng P85 wage hike sa Metro Manila

2
0
Dapat lalong magpursige ang bansa na idebelop ang potensyal ng West Philippine Sea, na binigyan ng mas malawak na pagkilala kamakailan ng Google Maps. Para kay Senate Majority Leader Francis “TOL” Tolentino, magsisilbing susi ang langis at natural gas na makukuha mula WPS at Talampas para makamit ang seguridad sa enerhiya ng bansa.

MANILA, Philippines — Ikinalungkot ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagsuspinde ng korte sa P85 arawang dagdag-sahod para sa mga minimum wage earner sa Metro Manila.

Kinumpirma ni Labor Secretary Francis Tolentino na naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang isang lokal na korte matapos kuwestiyunin ng hindi bababa sa dalawang kumpanya ang wage increase.

“Malungkot ako para sa mga manggagawa pero susnod tayo sa utos ng husgado,” pahayag ni Tolentino.

“Kung ano man ang naging basehan ng husgado sa paglalabas ng TRO, hayaan na po natin na sila ang magpaliwanag,” dagdag niya.

Nakatakda sanang ipatupad noong Hulyo 25 ang unang tranche na P60, habang sa Enero 2027 naman ibibigay ang natitirang P25.

Inanunsyo ni Tolentino noong nakaraang buwan ang P85 dagdag-sahod para sa mga minimum wage earner sa Metro Manila.

Sinabi rin ng kalihim na nagpapatuloy ang deliberasyon para sa dagdag-sahod sa Calabarzon, Central Luzon at Central Visayas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here