MANILA, Philippines — Umakyat sa rekord na P19.07 trilyon ang kabuuang natitirang utang ng pamahalaan noong Hunyo kasabay ng mas mabilis na pangungutang upang tustusan ang budget deficit, ayon sa datos ng Bureau of the Treasury nitong Huwebes.
Tumaas ng 2.8 porsiyento ang utang kumpara sa nakaraang buwan at 10.4 porsiyento naman kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Mula nang magsimula ang 2026, lumobo na ng halos P1.4 trilyon, o 7.7 porsiyento, ang utang ng gobyerno.
Ayon sa Treasury, ang pagtaas ay bunsod ng patuloy na fiscal program at financing strategy ng pamahalaan, habang nananatili umanong matatag ang debt portfolio ng bansa. Santi Celario