Home HOME BANNER STORY MRT-3 may libreng sakay tuwing Miyerkules ng Agosto sa mga Nat’l ID...

MRT-3 may libreng sakay tuwing Miyerkules ng Agosto sa mga Nat’l ID holders

3
0

MANILA, Philippines – Nag-anunsyo ang MRT-3 ng libreng sakay sa piling oras tuwing Miyerkules ng Agosto at sa Setyembre 16, 2026 para sa mga pasaherong magpapakita ng kanilang National ID, bilang paggunita sa Global Identity Day.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang libreng sakay ay mula 7 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. hanggang 7 p.m. sa mga sumusunod na petsa: Agosto 5, 12, 19, at 26, at Setyembre 16.

Maaaring gamitin ang physical National ID, digital National ID, o ePhilID sa papel upang makakuha ng libreng sakay.

Magsasagawa rin ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng National ID registration sa Araneta-Cubao at Taft Avenue stations ng MRT-3.

Ayon sa advisory: “Patuloy ang DOTr-MRT-3 sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang makapagbigay ng mas maayos, maaasahan, at episyenteng serbisyo para sa bawat Pilipino, lalo na sa ating mga komyuter.”

Ang MRT-3 ay bumibiyahe mula North Avenue sa Quezon City hanggang Taft Avenue sa Pasay City. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here