Home NATIONWIDE Pagkalugi ng GenCo, DUs sa paglusaw ng system loss, ibinasura ni Tulfo

Pagkalugi ng GenCo, DUs sa paglusaw ng system loss, ibinasura ni Tulfo

3
0

MANILA, Philippines – Hindi tinanggap ni Senador Erwin Tulfo ang katuwiran ng ilang generation companies (GenCo) at distribution utilities (DUs) na malulugi sila kapag tuluyang nilusaw ng pamahalaan ang paniningil sa system loss na kinakarga sa consumer.

Sa pagdinig ng Senate committee on energy, pinanangunahan ni Tulfo  ang pagsusulong na maipasa kaagad ang panukalang batas na lulusaw sa paniningil sa system loss sa nakukounsumong kuryente ng mamimili.

Ibinasura ni Tulfo ang katuwiran ng electric companies na malulugi ang kanilang kampanya sakaling maipasa ang panukala kahit umaabot sa mahigit P60 bilyon ang kanilang kinita sa nakalipas na taon.

“Hindi magiging sanhi ng Pagkalugi ng power distribution companies ang hakbang naito kumdi simpleng pagbabawas lamang sa kanilang dambuhalang kita,” ayon kay Tulfo.

Hinamon din ni Tulfo ang mga distributor at generator ng kuryente na nagsasabing ang pagtanggal sa singil ay magreresulta ng nakakapinsalang ₱60 bilyong pagkalugi para sa industriya ng enerhiya.

“Paulit-ulit naming naririnig ang mga reklamo mula sa mga kumpanyang ito na mawawalan sila ng bilyon kung aalisin namin ang systems loss charge,” sabi ni Tulfo.  “Ngunit linawin natin: hindi ito magdudulot ng operational losses sa mga distribution utilities.”

“Mababawasan lamang nito ang kanilang malalaking kita na bilyon-bilyon. Panahon na upang itigil na natin ang pagpipilit sa mga karaniwang mamamayang Pilipino na magbayad para sa kuryenteng hindi naman nila ginamit,” giit ni Tulfo.

Ginawa ng senador ang pahayag kasunod ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo, na tahasang nag-utos ng agarang pagbabawas o kabuuang pag-aalis ng mga singil sa system loss na ipinapasa sa mga konsyumer ng kuryente.

Sa pagdinig, hinarap ni Tulfo ang Energy Regulatory Commission kung totoong malulugi ang industriya kapag hininto ang paniningil sa system loss.

“Totoo bang malulugi po (ang distribution and generation companies) kung aalisin natin (ang system loss)?  Kaya, halimbawa, simulant natin sa non-technical systems loss.  Malulugi po ba?” tanong ni Tulfo.

Sinabi ni ERC Chair Francis Saturnino San Juan na dahil ang technical system loss ay binubuo lamang ng 1.5 porsyento ng kabuuang system loss, ito ay katumbas lamang ng kaunting bahagi mula sa kanilang malaking kita.

“Kaya, kabawasan sa kita nila.  Hindi sila mababa-bankrupt kung alisin natin ang systems loss,” ani Tulfo.

Kinumpirma ni Juan na ang regulatory body ay handa na ipatupad ang pagtatanggal.  Gayunpaman, dahil ang systems loss ay kasalukuyang pinoprotektahan bilang isang “pass-through” na gastos sa ilalim ng umiiral na batas, kinakailangang baguhin muna ng Kongreso ang Seksyon 43(f) ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

Ipinaliwanag ni Juan na sa ilalim ng kasalukuyang balangkas, pinapayagan ang mga utility na mabawi ang mga gastos sa kuryente na binili mula sa mga planta ng kuryente ngunit nawala sa panahon ng transmisyon o sa pamamagitan ng pagnanakaw bago makarating sa mga tahanan.

Binibigyang-diin ni Tulfo na ang pagpipilit sa mga pribadong kumpanya ng distribusyon na tanggapin ang mga teknikal at di-teknikal na system loss ay mag-uudyok sa kanila na pagbutihin ang kanilang sariling grid infrastructure, sa halip ipasa sa publiko para sa kanilang mga operational inefficiencies.

“Malinaw ang misyon ng Pangulo, at ang aming prayoridad ay ang kapakanan ng konsyumer,” dagdag ni Tulfo.  “Ang mga malalaking kumpanya ng kuryente na ito ay nakikinabang ng malalaking kita sa loob ng mga dekada.  Makatarungan lamang na sila ang sumagot sa mga gastos na ito upang makapagbigay ng matagal nang kinakailangang tulong pinansyal sa milyun-milyong pamilyang Pilipino.” Ernie Reyes 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here