Home NATIONWIDE Na-subpoenang financial records ni VP Sara, naniniwalang tatanggapin bilang ebidensya – House...

Na-subpoenang financial records ni VP Sara, naniniwalang tatanggapin bilang ebidensya – House prosecution

3
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng tiwala ang House prosecution panel na papayagan ng Senate Impeachment Court ang pormal na pagtanggap bilang ebidensya ng na-subpoena na bank, tax, at financial records ni Vice President Sara Duterte sa patuloy na paglilitis sa impeachment.

Sinabi ni House prosecution counsel Benjamin Tolosa Jr. na malaking hakbang patungo sa pormal na presentasyon ng mga dokumento bilang ebidensya ang naunang desisyon ng korte na payagan ang subpoena para sa bank accounts, tax records, at Anti-Money Laundering Council (AMLC) reports nina Duterte at ng asawa na si Manases Carpio.

Ayon kay Tolosa, susuriin ng parehong prosecution at defense panel ang mga dokumento, at magkakaroon ng argumento mula sa magkabilang panig kung dapat ba itong tanggapin bilang ebidensya, bago magpasya ang korte tungkol sa admissibility nito.

“Inaasahan natin na tututulan ang ebidensyang ito. Karapatan nila iyan. Hindi pa iyan tinatanggap bilang ebidensya. Kasama iyan sa proseso, at handa kaming harapin ang mga objection gamit ang counter-arguments,” ani Tolosa.

Samantala, sinabi ni House trial spokesperson at impeachment adviser Robert Ace Barbers, na transparency sa presentasyon ng ebidensya ang layunin ng prosecution. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here