Home NATIONWIDE Abalos sa mga lokal na opisyal: Malakanyang, palaging bukas sa lahat

Abalos sa mga lokal na opisyal: Malakanyang, palaging bukas sa lahat

1
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Cabinet Secretary Benhur Abalos sa mga opisyal ng lungsod at munisipalidad na palaging bukas ang Malakanyang sa lahat, maging anuman ang kanilang political affiliation.

Ani Abalos, committed ang administrasyong Marcos na makatrabaho ang mga lokal na lider lalo na ang mga konsehal ng local government units sa iba’t ibang panig ng bansa, sa pagtugon sa pangangailagan ng kanilang komunidad.

“Malacañang is always open to everyone. My office is always open to everyone,” ang sinabi ni Abalos sa mga miyembro ng Philippine Councilors League (PCL) sa isinagawang second quarterly Continuing Local Legislative Education Program (CLLEP) sa Iloilo City, araw ng Miyerkules.

“We still have a lot of work to do. We will listen to you. And most importantly, we will deliver on our commitments; we will take action,” aniya pa rin.

Ani Abalos, ipinagkatiwala sa kanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang responsibilidad na magsilbi bilang cabinet secretary upang matiyak na maririnig ang mga hinaing ng mga lokal na pamahalaan, pribadong sektor, at mamamayang filipino, makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya at kagyat na magpatupad ng government action.

Sa naging talumpati ni Abalos, kinilala nito ang mahalagang papel ng mga city at municipal councilors sa paghubog sa pagsusulong sa grassroots level.

Ang epektibo aniyang local legislation ay nakalatag sa pundasyon ng makabuluhan at pangmatagalang progreso.

Hinikayat naman nito ang mga local legislators na tularan ang mga matagumpay na inisyatiba na ipinatutupad ng ibang LGUs, gaya ng Iloilo City’s rehabilitation ng Iloilo River na isa sa pinakamalinis na waterways ng bansa. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here