MANILA, Philippines – Pansamantalang makalalaya si dating Senador Bong Revilla matapos pagbigyan ng Sandiganbayan Third Division ang kanyang petisyon para sa piyansa.
Ayon kay Dennis Pulma, clerk of court ng Third Division: “The court granted Bong Revilla Jr.’s bail application, but denied the other accused.”
Itinakda ang piyansa ni Revilla sa P1 milyon.
Si Revilla at ang kanyang mga kapwa akusado ay nahaharap sa kasong malversation na hindi maaaring piyansahan, kaugnay ng umano’y ghost project na nagkakahalaga ng P92.8 milyon sa Pandi, Bulacan.
Paulit-ulit namang itinanggi ni Revilla ang anumang pagkakasangkot sa naturang umano’y anomalya. RNT/MDS