Home METRO Estudyanteng sinasak ng kapwa menor na estudyante, patay sa Las Piñas

Estudyanteng sinasak ng kapwa menor na estudyante, patay sa Las Piñas

2
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang 13-taong-gulang na estudyanteng menor de edad matapos saksakin ng kanyang 14-anyos na kaklase sa loob mismo ng eskwelahan sa Las Piñas City Biyernes ng hapon, Hulyo 31.

Hindi na umabot pa ng buhay nang isugod sa Las Piñas District Hospital (LPDH) sanhi ng tinamong saksak sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib ang biktima na residente ng Barangay Daniel Fajardo, Las Piñas City.

Sinabi ni Las Piñas City police chief P/Col. Fermin Armendarez na agad namang inireskyu ng mga rumespondeng pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ang suspek na residente ng Brgy. Talon 2, Las Piñas City.

Base sa inisyal na report na isinumite ni Armendarez sa Southern Police District (SPD), naganap ang insidente ng pananaksak bandang alas 4:30 ng hapon sa harap ng Room 401 na matatagpuan sa ikaapat na palapag ng DPWH 3 Bldg. Las Pinas National High School (LPNHS), Sultana St., Tabon 1 Brgy. Daniel Fajardo, Las Piñas City.

Ayon kay Armendarez, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang biktima at ang suspek pagsapit ng oras ng kanilang recess kung saan bumunot ng patalim ang huli at inundayan ng saksak ang una sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa LPDH kung saan ito idineklarang dead on arrival ni Dra. Donalene Talento ng nabanggit na ospital.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Las Piñas City police ang suspek na itinuturing na Children In Conflict with the Law (CICL) habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa laban sa kanya. (James I. Catapusan, Kathleen Calixtro, Eugie Alcoba, Geneva Ravina, Aerith Buyo, Gabrielle Ann C. Venus, Orianna Santero & Johndave Idaosos)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here