Home NATIONWIDE Transparent deliberation sa 2027 budget siniguro ni Speaker Dy, budget ihahain sa...

Transparent deliberation sa 2027 budget siniguro ni Speaker Dy, budget ihahain sa Kamara bago Agosto 14

3
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ni House Speaker Faustino Dy III na ipagpapatuloy ng Kamara  ang mga reporma at transparency measures na ipinatupad noong nakaraang taon sa pagtalakay sa 2027 proposed national budget.

Sa press briefing matapos ang paglulunsad ng LegisHear sa Isabela nitong Biyernes, sinabi ni Dy na handa na ang Kamara sa kanilang konstitusyonal na tungkuling suriin ang National Expenditure Program (NEP), na inaasahang ipapasa ng Malacanng sa Agosto 14.

Ayon sa Speaker, tutulong ang mga public consultation sa ilalim ng bagong-launch na LegisHear program para higit na maunawaan ng mga mambabatas ang mga priyoridad at hinaing ng mga komunidad bago pa man tuluyang mapagtibay ang appropriations.

Nang tanungin kung may karagdagang reporma pang isasaalang-alang ang Kamara bukod sa mga naipatupad noong deliberasyon ng 2026 National Budget, sinabi ni Dy na wala pang napag-uusapan.

Iginiit ni Dy na nananatiling nakatuon ang Kamara sa pangangalaga ng mga reporma na ipinatupad nito upang matiyak ang transparency at accountability sa appropriations process, habang patuloy na pinapahusay ang mga safeguard na nagpoprotekta sa integridad ng national budget.

Sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Dy, naipatupad na ng Kamara ang isang serye ng budget reforms, kabilang na ang mas mataas na transparency sa appropriations process tulad ng Budget Amendments and Review Subcommittee (BARSc) at ang livestreaming ng budget bicameral committee deliberations. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here