Home NATIONWIDE Mas madaling voting access sa mga OFW hirit ng Comelec

Mas madaling voting access sa mga OFW hirit ng Comelec

9
0

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga pamamaraan para mas maging accessible ang pagboto sa mga overseas Filipino workers (OFWs), kabilang ang mas malawak na paggamit ng internet voting at posibleng mas maagang botohan para sa mga senior citizen, persons with disabilities at iba pang vulnerable sector.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, nag-aalala ang poll body sa paulit-ulit na mababang voter turnout sa overseas Filipino sa kabila ng hakbang na himukin silang magparehistro at lumahok sa eleksyon.

Ani Garcia, mayroong tinatayang 12 milyong Pinoy ang naninirahan sa ibang bansa ngunit mas mababa pa sa dalawang milyon ang nakarehistro.

“Isipin niyo ang estimate ng Pilipinas [sa] abroad ay 12 million at pagkatapos magpaparehistro lang sa iyo wala pang 2M,” sinabi ni Garcia sa panayam ng DZMM.

Umaasa ang Comelec na mahihikayat ng internet voting ang mas maraming Pinoy abroad na lumahok at makaboto gamit ang kanilang cellphone, laptop o tablet nang hindi na kailangang lumiban sa trabaho o magtungo sa polling site.

“Ngunit ngayon mas paitingin natin ang kampanya dahil nakapag-rollout na tayo, nakapag-pilot test na tayo, baka sakaling this time ay mas may interest ang mga kababayan natin dahil cellphone na lang, laptops, iPads, makakaboto na sila,” sinabi ni Garcia.

“Hindi nila kailangan umalis pa sa trabaho o kaya ipagpaliban ang pahinga nila pagka Linggo o Sabado. At ang pagboto ay wala pang five minutes.”

Ipinakilala ng Comelec ang internet voting para sa overseas Filipinos sa 2025 national at local elections.

Sa naturang eleksyon, ang registered overseas voters ay maaaring makaboto online sa mga participating country.

Gumamit din ang Comelec ng satellite registration activities para mapalapit ang voter registration sa mga Filipino community abroad.

“Kung kaya lang may problema tayo kung bakit ito in-person. Tulad ng ordinaryong Pilipino dito sa ating bansa, kailangan makuha ang ating biometrics, fingerprints, pictures, signatures kasi ‘yan ang pagkakakilan sa atin. Ito ang matinding problema natin,” ani Garcia.

“Therefore, ang ginagawa lang natin, satellite registration. Dinadala natin ang mga pagpaparehistro sa mga lugar kung saan nagkukumpul-kumpul ang mga Pilipino, lalo na tuwing Sabagat at Linggo,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here