Home NATIONWIDE Maayos na suplay ng bakuna, gamot sa mga ospital ipinangako ng DOH

Maayos na suplay ng bakuna, gamot sa mga ospital ipinangako ng DOH

4
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Health Secretary Jose Brittanio Pujalte Jr. na patuloy na inaayos ng Department of Health (DOH) ang mga problema sa bakuna at gamot sa mga regional hospital at pinapalakas ang Universal Health Care (UHC) workforce.

“DOH is a work in progress. Unti-unti at dahan-dahan nating aayusin ang mga problema katulad ng bakuna at mga gamot na naibaba sa mga regional na mga ospital,” sabi ni Pujalte.

Patuloy rin ang catch-up immunization campaigns at paghahanda para sa measles-rubella vaccination drive, na layong maabot ang 95% vaccination coverage.

Ayon kay Pujalte, pinalalakas din ng DOH ang bilang ng mga primary care physicians o general practitioners, na unang tumitingin at nagsusuri sa mga pasyente bago sila i-refer sa mga espesyalista.

“Merong mga tinatawag na sentry physicians na sila muna ang nasa baba at tumitingin ng mga pasyente bago ibato o ipaubaya sa mga espalista,” aniya.

Sinabi rin niyang handa ang pamahalaan na tumulong sa pamamagitan ng DOH, ngunit hinikayat niya ang publiko na pangalagaan ang sariling kalusugan.

“Ngunit ang inyong kalusugan ay inyong tungkulin. Tungkulin na alagaan ang inyong sarili.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here