Home ENTERTAINMENT Mariel, naglunsad ng ‘Protect Sen. Robin Padilla Movement’!

Mariel, naglunsad ng ‘Protect Sen. Robin Padilla Movement’!

1
0

Manila, Philippines – Naglunsad ng movement o pangkat si Mariel Padilla na naglalayong bigyan ng proteksyon ang asawang si Sen. Robin Padilla.

Ito’y ang Protect Senator Robin Padilla Movement.

Obyus na itinatag ito ng TV host-actress bilang simpatya–na kauna-unawa naman–sa mister na suki ng mga batilkos sa nangyayaring impeachment trial kay VP Sara Duterte sa Senado.

Ayon sa pagtalakay sa Showbiz Now Na, sinabi ni Cristy Fermin na natural lang daw bilang misis ni Robin na ipagtanggol ito ni Mariel.

Natural lang daw na nasasaktan si Mariel sa mga ibinabatong panlalait kay Robin.

‘Yun nga lang, bakit daw pati mga dating kaibigan niya tulad nina Angel Locsin etc. ay idinamay mismo ni Mariel sa usapin?

Hindi din maunawaan ng SNN kung bakit in-unfollow din ni Mariel si Piolo Pascual: “Ano’ng ginawa o ipinost ni Piolo?”

Dahil din sa movement na itinatag ni Mariel kung kaya’t lalo lang daw nainis ang mga bashers ni Robin.

Anila: “Ano namang kabobohan ito? Nahawa ka na yata sa asawa mo, Mariel!”

Giit ni Cristy: “Paano ‘yung mga hindi sasang-ayon kay Sen. Robin, pabawas nang pabawas ang mga ia-unfollow ni Mariel, ganoon ba?”

Dagdag pa ni Cristy: “Eh, sa mundo pa naman nating ito, dapat padagdag nang padagdag ang sukatan…hindi kabawasan.”

Lumalabas lang daw na ang layunin ng movement na inilunsad ni Mariel ay naghanap ng mga sasang-ayon kay Robin sa mga katwiran at ideyolohiya nito sa lahat ng pagkakataon.

Akala ba nami’y we live in a democratic society…? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here