Home TOP STORIES Schengen free travel sa Spain pansamantalang sinuspinde ng Italy

Schengen free travel sa Spain pansamantalang sinuspinde ng Italy

1
0

ROME, Italy – Inanunsyo ng Italy na pansamantala nitong sinuspinde ang Schengen border-free travel arrangement sa Spain dahil sa malawakang pagpasok ng mga migrante sa Ceuta, isang teritoryo ng Spain na katabi ng Morocco.

Bagama’t walang land border ang Italy at Spain, maaapektuhan ng hakbang na ito ang mga taong bibiyahe sa pagitan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng eroplano o barko.

Ayon sa Italian Interior Ministry, napagkasunduan din ng Italy at France na higpitan ang mga kontrol sa hangganan ng France at Italy bilang bahagi ng pagtugon sa krisis sa Ceuta. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here