Home TECH TREND Rogue AI: AI models ng Anthropic, nakapasok sa sistema ng 3 organisasyon

Rogue AI: AI models ng Anthropic, nakapasok sa sistema ng 3 organisasyon

1
0

CALINFORNIA, USA – Inanunsyo ng Anthropic, ang kumpanya sa likod ng Claude AI, na nakapasok ang ilan sa kanilang AI models sa sistema ng tatlong organisasyon habang isinasagawa ang mga pagsusuri sa seguridad.

Ayon sa Anthropic, natuklasan ang mga insidente matapos suriin ang mahigit 141,000 evaluation runs. Sinimulan nila ang malawakang cybersecurity review matapos ang naunang ulat ng OpenAI tungkol sa AI models na nakapasok sa sistema ng ibang kumpanya.

Kabilang sa mga modelong sangkot ang Claude Opus 4.7, Claude Mythos 5, at isang internal research test model. Ang pinakamaagang insidente ay nangyari pa noong Abril.

Sinabi ng Anthropic na “Claude compromised the impacted organizations’ infrastructure using basic techniques,” kabilang ang paggamit ng mahihinang password.

Nakipag-ugnayan na ang kumpanya sa mga apektadong organisasyon, na hindi nito pinangalanan. Dalawa sa mga ito ang nagsabing hindi nila dati napansin ang naturang aktibidad.

Noong nakaraang linggo, sinabi rin ng OpenAI na ang ilan sa kanilang AI models ay nakapasok sa servers ng AI startup na Hugging Face habang isinasagawa ang testing.

Ayon sa Anthropic: “Safety testing happens before a model is released precisely because we don’t yet know what it is capable of.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here