Home ENTERTAINMENT Engagement ring, lupa’t cash, binigay ng bf kay Yassi!

Engagement ring, lupa’t cash, binigay ng bf kay Yassi!

2
0

Manila, Philippines – Tila kakabugin ni Yassi Pressman ang newly married na si Bea Alonzo!

Engagement pa lang kasi’y super bongga na ang mga natanggap ng aktres mula sa kanyang nobyong si Camarines Sur Rep. Luigi Villafuerte.

Ang kumakalat na tsika, bukod sa mamahaling engagement ring ay may “plus-plus” pa ito.

Binigyan din daw kasi ni Luigi ang kanyang future wife ng limang ektaryang lupa at malaking pera para maging savings nito.

Imagine, engaged pa lang sila, ha?

How much more pag Mrs. Villafuerte na si Yassi?

Tuloy, marami ang nagsasabing napakasuwerte ng aktres dahil sa pagkakaroon ng very generous partner.

Ano kaya ang masasabi ng ilang kapwa celebrities ni Yassi?

Don’t these single ladies wish na katigan din sila ng ganoong kapalaran?

Ikaw na ikaw na talaga, Yassi!

Kinabog mong lahat! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here