Home NATIONWIDE Baseline ng Pinas sa Bajo de Masinloc, tinutulan ng China

Baseline ng Pinas sa Bajo de Masinloc, tinutulan ng China

2
0

BEIJING, China – Mariing tinutulan ng China ang pagtatakda ng Pilipinas ng “baselines” sa paligid ng Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) sa West Philippine Sea at tinawag itong “illegal and invalid” at paglabag umano sa teritoryal na soberanya ng China.

Noong nakaraang linggo, isinumite ng Pilipinas sa United Nations (UN) ang opisyal nitong nautical chart ng Bajo de Masinloc, na nagpapakita ng 12-nautical-mile territorial sea at 24-nautical-mile contiguous zone alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), layunin nitong palakasin ang legal na batayan ng karapatan ng Pilipinas sa nasabing lugar sa ilalim ng internasyonal na batas.

Iginiit ng China na ang Huangyan Dao (tawag nito sa Scarborough Shoal) ay bahagi ng teritoryo nito at muling tinanggihan ang 2016 arbitral ruling na nagpawalang-bisa sa malawak na pag-aangkin ng Beijing sa South China Sea.

“China demands that the Philippine side earnestly respect China’s territorial sovereignty and maritime rights and interests, and refrain from taking any infringing and provocative actions on Huangyan Dao. Otherwise, China will respond resolutely.”

Samantala, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagtatanggol sa 2016 arbitral ruling gamit ang lahat ng mapayapa at legal na paraan na magagamit ng Republika ng Pilipinas. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here