Home HOME BANNER STORY 2 babae timbog sa P9M pekeng ‘Magic Sarap’ sa Bulacan

2 babae timbog sa P9M pekeng ‘Magic Sarap’ sa Bulacan

1
0

Bulacan – Arestado ang dalawang indibiduwal nang mahulihan ng P9,225,000.00 halaga ng pekeng “Magic Sarap” food seasoning sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Marilao nitong Oktubre 1.

Sa report kay PMGEN Robert AA Morico II, Director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), isinagawa ang operasyon ng CIDG Bulacan Field Unit kasama ang Food and Drugs Authority at Nestle Philippines representatives bandang 9:00 ng umaga hanggang 11:50 ng umaga sa isang warehouse sa Brgy. Patubig.

Dahil dito, naaresto ang dalawang hindi pinangalanang babae na umano’y nagbenta at nahulihan ng bulto-bultong pekeng pampalasa.

Nabatid na nakumpiska sa operasyon ang 3,006 kahon ng umano’y pekeng “Magic Sarap” food seasoning na nagkakahalaga ng P9,255,000.00.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nasa kustodiya ng nasabing himpilan. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here