Home NATIONWIDE Mga indibidwal, grupo na tumulong sa ugnayan ng PH-Japan, kinilala ng Japanese...

Mga indibidwal, grupo na tumulong sa ugnayan ng PH-Japan, kinilala ng Japanese Embassy

2
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya ang kahalagahan ng cultural at people-to-people exchanges sa pagpapalakas ng matagal nang relasyon ng Pilipinas at Japan.

Sa awarding ceremony sa Maynila nitong Biyernes, sinabi ni Endo na ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa ay dapat na magpatuloy sa malawak na mga lugar katulad ng security, business, trade, investment, tourism at palitan ng mga tao.

“The foundation of our friendship and cooperation is our strong people-to-people ties,” ani Endo.

Aniya, ang mga ugnayang ito ay nabuo sa maraming taon ng mga indibidwal at organisasyon na nagtutulungan sa iba’t ibang sektor, at mula sa mga sumusuporta sa Japanese businesses sa Pilipinas sa mga eksperto sa Philippine affairs sa Ministry of Foreign Affairs ng Japan.

Tinukoy ni Endo ang mga grupo ng babaeng Filipino at Japanese na tumulong na mag-ugnayan sa dalawang lipunan, maging ang mga organisasyon na nagpo-promote ng cultural exchanges sa long-running initiatives katulad ng bonsai.

“These relationships are the result of many years of dedication by individuals and organizations, and I believe it is important to recognize and celebrate those enduring friendships and partnerships,” aniya.

Sa seremonya, ipinresenta ni Endo ang Ambassador’s Commendation sa apat na indibidwal at isang organisasyon sa kanilang taon ng serbisyo sa Philippines-Japan relations.

Kabilang sa mga kinilala ay sina Nobuo Fujii ng Japanese Chamber of Commerce and Industry of the Philippines sa pagsuporta sa Japanese business community at pagtugon sa pangangailangan ng mga ito.

Si Dr. Nora Torres ng Philippines-Japan Ladies Association ay kinilala rin sa pagpapakilala ng cultural at social exchanges sa pagitan ng mga Filipino at Japanese.

Ganito rin ang natanggap nina language educators Bendette McFarland at Thelma Salumbides para sa kanilang dekada nang pagtuturo ng Filipino sa Japanese diplomats, at pagtulong sa mga ito na magkaroon ng mas malalim na pagkaunawa sa Pilipinas at mga mamamayan nito.

Nakatanggap din ng pagkilala ang Philippine Bonsai Society sa promotion ng bonsai, isang Japanese art ng pagpapalago at paghubog ng miniature trees, at pagpapalakas ng cultural exchange sa pamamagitan ng exhibitions, workshops at iba pang aktibidad.

“Today, we recognized four individuals and one organization from different backgrounds who have worked for many years to strengthen the ties between our two countries,” sinabi ni Endo.

“In their respective capacities and across different sectors, they have made significant contributions to deepening our friendship in various ways,” dagdag pa niya.

Minarkahan ng Japan at Pilipinas ang 70 taon mula nang normalization ng diplomatic relations noong Hulyo 23, 1956.

Itinalaga ng dalawang pamahalaan ang 2026 bilang Japan-Philippines Friendship Year sa ilalim ng temang, “Weaving the Future Together: Peace, Prosperity, Possibilities.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here