Home NATIONWIDE Cloud seeding ops isinagawa sa Magat Watershed sa mababang lebel ng tubig

Cloud seeding ops isinagawa sa Magat Watershed sa mababang lebel ng tubig

2
0

CAUAYAN CITY, Isabela – Mistulang biyaya sa mga magsasaka matapos magbunga mahina hanggang katamtaman na pag-ulan ang magkatuwang na cloud seeding operation ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 (DA RFO 2), Philippine Air Force (PAF), Bureau of Soils and Water Management (BSWM), at National Irrigation Administration (NIA) sa Magat Watershed area at iba’t ibang bahagi ng Rehiyon Dos.

Sa inilabas na pagtaya ng DA RFO2, naabot ng cloud seeding operations ang mga target na lugar kung saan nakapagdulot ito ng pag-ulan sa mga tuyong palayan at iba pang agricultural areas na matagal nang nakararanas ng matinding init at kakulangan sa ulan.

Naging epektibo sa mga pangunahing operations sa Magat, na nagsisilbing pinagkukunan ng tubig para sa irigasyon ng libu-libong ektarya ng sakahan sa rehiyon.

Posibleng maibsan ang banta ng El Niño sa sektor ng agrikultura sa rehiyon matapos ang pag-uulan sa ginawang cloud seeding.

Sa datos ng NIA Region 02 ay umaabot sa halos 55,000 ektarya ang apektado ng El Niño o tag-tuyot sa kanilang nasasakupan.

Habang sa NIA–Magat River Integrated Irrigation System (MARIIS), tinatayang nasa 31,000 ektarya ng palayan sa Isabela ang naapektuhan ng kakulangan sa tubig hanggang Hulyo 2026.

Patuloy ang koordinasyon ng DA, PAF, BSWM, at NIA upang maisagawa ang karagdagang cloud seeding operations bilang bahagi ng mga hakbang ng pamahalaan upang matulungan ang mga magsasakang apektado ng El Niño upang matiyak ang seguridad sa pagkain sa bansa. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here