Home NATIONWIDE Miyembro ng Paz Gun for Hire Group arestado sa Laguna

Miyembro ng Paz Gun for Hire Group arestado sa Laguna

1
0

MANILA, Philippines – Isang miyembro ng PAZ Gun for Hire Group ang inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Murder madaling-araw ng Sabado, Agosto 1, sa Purok 4 Barangay San Lucas, sa lungsod ng San Pablo, Laguna.

Ang suspek na pansamantalang nasa kustodiya ng San Pablo Component City Police Station na nakilala sa alyas Bobby na kabilang sa listahan ng Regional Level PRO4A Rank # 2 Most Wanted Person.

Pinangunahan ni RID4A PMaj Francis Albert E. Fortunato ang operasyon kasama ang TL, RID4A Special Team sa direktang kautusan ni PCol Vicente S. Cabatingan Chief ng RID4A, gayundin ang San Pablo Component City Police Station, Paete MPS at PIU Laguna Police Provincial Office.

Base sa inisyal na report ng RID4A naaresto ang suspek ng dakong alas 4:50 ng madaling-araw habang ang suspek ay kasalukuyang nasa taniman ng Lanzones kung saan dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Murder under Criminal Case No. S- 14277 na inisyu ni Hon. Ma. Lourdes Santos Mendoza Presiding Judge, RTC Branch 166 Siniloan, Laguna na walang kaukulang piyansa.

Bukod dito ang suspek ay dati na umanong naaresto sa ilegal na droga noong nakalipas na Pebrero 8, 2016 sa Barangay Silanganan, Nagcarlan, Laguna.

Napag-alaman na ang suspek ay miyembro ng PAZ Gun for Hire Group na nagsasagawa ng operasyon sa 3rd at 4th District ng Laguna at Quezon Province partikular sa Sariaya, Tiaong, Candelaria at San Antonio.

Samantalang bukod sa kasong murder ay nahaharap din ang suspek sa kasong illegal possession of firearms and ammunition ng Republic Act No. 10591 (In Flagrante) kung saan nakumpiskahan ang suspek ng isang unit ng caliber 45 Colt pistol, 2 magazines para sa caliber 45 at 16 na pirasong bala ng caliber 45.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa tanggapan ng Forensic Unit4A para sa isasagawang pagsusuri. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here