Home NATIONWIDE 3 na-trap sa balon sa Cagayan

3 na-trap sa balon sa Cagayan

3
0

APARRI, Cagayan – Halos walang malay at nanghihina na naiahon ng mga awtoridad ang tatlong lalaking na-trap sa isang balon sa Aparri, Cagayan.

Ang tatlong kalalakihan ay magsasagawa sana ng cleaning at maintenance ng balon sa Barangay Plaza.

Kung saan ay isa-isang pumasok sa balon ang tatlong lalaking maglilinis pero ilang oras ang nakalipas ay humihingi na sila ng saklolo dahil nahirapan nang makahinga.

Agad na tumawag ang mga residente sa mga kinauukulan para masagip ang tatlo na masuwerteng naiahon sa tulong ng mga kawani ng PCG, MDRRMO, mga pulis, bumbero at civilian volunteers sa search and rescue operation.

Sa ngayon ay patuloy ang pagpapagaling ng tatlong kalalakihan sa isang pagamutan. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here