Home NATIONWIDE Kapitang mastermind sa pagpatay sa dating barangay secretary sumuko

Kapitang mastermind sa pagpatay sa dating barangay secretary sumuko

1
0

Bulacan – Sumuko na ang umano’y mastermind sa pagpatay sa isang guro na dating barangay secretary sa tapat mismo ng kanilang bahay sa bayan ng Santa Maria nitong madaling araw ng Huwebes.

Sa ulat, bago nasawi sa pagamutan ang biktimang si Stephen “Gelo” Pagmanua Enriquez, 38, ay nasabi niya kung sino ang bumaril sa kanya.

Base sa ulat, nasapul sa CCTV ang makailang ulit na pamamaril ng suspek sa biktima na nagsisigaw at humingi ng saklolo sa kanyang babaeng kapatid na nasa loob ng kanilang bahay.

Dahil sa masidhing aksyon ng pulisya ay nabatid na boluntaryong sumuko ang umanoy mastermind sa krimen bandang 5:30 ng hapon nitong Sabado, Agosto 1, na umano’y kapitan ng Brgy. Poblacion, ayon na rin sa ulat.

Sinusulat ito, wala pang pahayag ang sumukong kapitan sa nasabing lugar na nahaharap sa kasong murder. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here