Home NATIONWIDE Lolo pinagbabaril ng kababaryo, todas

Lolo pinagbabaril ng kababaryo, todas

2
0

Bulacan – Patay ang isang indibidwal matapos pagbabarilin ng motorcycle rider sa lungsod ng Baliwag nitong umaga ng Agosto 2.

Sa ulat ni PLTCOL Eisbon Llamasares, hepe ng Baliwag police station, naganap ang pamamaril bandang alas-7:00 ng umaga sa Purok 2, Brgy. Piel.

Ayon sa ulat, ang nasawi ay isang 80 anyos na lalaki, residente ng Brgy. San Jose, San Luis, Pampanga.

Nang makarating sa istasyon ang nangyari ay agad nagsagawa ng imbestigasyon at hot pursuit operation hanggang sa natukoy at naaresto bandang 10:00 ng umaga ng araw na iyon ang suspek.

Sinasabing ang suspek ay pawang construction worker na kababaryo mismo ng biktima.

Nakumpiska sa suspek ang isang 9mm Smith & Wesson pistol na may limang bala, Yamaha Mio Gear motorcycle na pinaniniwalaang ginamit bilang getaway vehicle at mga isinuot na damit.

Nakuha din sa lugar ang apat na fired cartridge cases at isang fired bullet sa crime scene.

Isasailaim ang mga ebidensya sa ballistic examination at iba pang kaukulang forensic analysis ng Bulacan Forensic Unit habang ang suspek ay nahaharap sa kaukulang kaso. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here