Home ENTERTAINMENT Jobert, pumanaw na, may premonisyon?

Jobert, pumanaw na, may premonisyon?

2
0

Manila, Philippines – Sumakabilang-buhay na ang veteran showbiz writer na si Jobert Sucaldito.

He was 65.

Nitong August 2, Linggo nalagutan ng hininga ang dati ring DZMM radio anchor.

Ito ang malungkot na ibinalita ng co-host ni Jobert na si Chaps Manansala sa kanilang YouTube show na O.O.T.D. (Oras ng Opinyon, Talakayan at Diskusyon).

Ani Chaps, mapayapa ang naging pagpanaw ni Jobert.

Ipinagpasalamat ni Chaps ang suporta at panalangin para sa co-host: “Ang kanyang alaala, kabutihan at mga naiwan niyang kuwento ay mananatiling buhay sa aming mga puso.”

Jobert expired in the morning of August 2 between 9:45 and 10:15 sa mismong tahanan niya sa Kamias, Quezon City.

Agad muna siyang isinugod sa Philippine Heart Center, pero ayon kay Chaps: “Sadly, despite their efforts he was pronounced deceased at around 10:30 am.”

Hinihintay pa ng mga kaanak ni Jobert ang medical findings na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Samantala, tila may premonition na daw si Jobert base sa kanyang mahabang post sa social media.

Hours before his death, nagpasalamat si Jobert sa mga taong patuloy na tumutulong at nagmamalasakit sa kanya lalo na pag inaatake siya ng anxiety.

llang gabi ding hindi siya nakakatulog. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here