MANILA, Philippines – Kumpiyansa si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino na mananaig ang batas sa P85 daily minimum wage increase sa Metro Manila sa kabila ng temporary restraining order (TRO) na inisyu ng korte sa implementasyon nito.
“The rule of law will prevail here. The Constitution will prevail,” sinabi ni Tolentino sa panayam ng DZBB nitong Linggo, Agosto 2.
Noong Hulyo 30 ay nag-isyu ang Pasig Regional Trial Court (RTC) ng TRO bilang tugon sa petisyon para sa declaratory relief na inihain ng dalawang construction companies na kumikwestyon sa National Capital Region (NCR) Wage Order No. 27.
Sa panayam, tinukoy ni Tolentino ang Article XIII, Section 3 ng 1987 Constitution, na nagsasabing ang Estado ay dapat na magbigay ng buong proteksyon sa manggagawa.
“I believe Article XIII, Section 3 of the Philippine Constitution will prevail. I believe the court will recognize the primacy of the law,” ani Tolentino.
Umapela rin siyang maging kalmado kasabay ng pagsisiguro sa mga manggagawa na patuloy na poprotektahan ng pamahalaan ang kanilang kapakanan.
“To [the public], let us remain calm. The law, especially the Constitution, must prevail. Your government will not abandon you, especially when it comes to the welfare of our workers,” aniya.
Nakatakdang dinggin ng korte ang kaso ngayong Lunes, Agosto 3. RNT/JGC