Home ENTERTAINMENT Mika, nawindang sa electric bill!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Mika, nawindang sa electric bill!August 3, 2026 08:2210 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Tila napanawan ng ulirat si Mika Salamanca nang tumambad sa kanya ang kanyang electric bill.Inamin ni Mika na ninenerbiyos siya sa tuwing darating ang kanyang bayarin sa kuryente.Ipinasilip muna niya sa kanyang kasama ang bill bago niya ito “pintahan.”Ani Mika: “Nakakaiyak siya! Teka lang, ang mahal naman. Ang laki ng kuryente ko lalo…grabe naman ‘yan!”Paliwanag ni Mika na may halong pagtataka: “Tatlo ang kuwarto sa condo, pero ang aircon hindi naman laging ginagamit. Isa lang ang TV ko!”Hindi rin daw madalas magluto si Mika.“Thirty nine thousand? Nahiya pa kayo, hindi n’yo pa ginawang P40,000!“Take note, guys…lagi akong wala sa bahay dahil nagtatrabaho ako.”Nauunawaan naman ng mga netizens ang sentimyento ni Mika:“Hala, ang lala! Ang sakit sa mata at sa bulsa!”“Email Meralco, Mikmik. OA ‘yang bill mo!”“Grabe! Miks, malaking tattoo na magagawa niyan. Lol!”“Paldo na naman ang electric company!”Paging Meralco. Ronnie Carrasco III