Home ENTERTAINMENT Vice Ganda, nakabakasyon muna, ‘nabugbog’ sa bash!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Vice Ganda, nakabakasyon muna, ‘nabugbog’ sa bash!August 3, 2026 08:2110 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Mismong si Ogie Diaz angnagkumpirmang one week nakabakasyon si Vice Ganda sa It’s Showtime.Ito ang tinalakay ng manager cum vlogger sa Showbiz Update program nila.“Kumbaga, pahinga lang. Kung ako ang manager, ‘yun din ang sasabihin ko, pahinga muna siya para mag-recharge…para magmuni-muni.”Dagdag pa ni Ogie, “nabugbog” daw si Vice Ganda ng mga netizens sa Memerimar skit.Katakutakot nga namang bashings ang inabot ng Unkabogable Star.Pati daw kasi nakaraan na’y ibinabalik pa para okrayin si Vice Ganda nang bonggang-bongga.Ramdam daw ni Ogie ang lungkot ng dating alaga: “Nakikita ko, nababasa ko…”May kinalaman din ‘yon sa pag-call out ng MTRCB kay Vice Ganda, kumbaga nagkapatung-patong na.Just to refresh the readers’ memory, hindi nagustuhan ng mga netizens ang nangyari sa Memerimar segment.Ito’y kung saan binugahan ni Vice Ganda ng tubig sa mukha si Johaira Moris na member ng girl group na Baby Dolls.Matapos bugahan; tinanong ni Vice si Johaira: “Ano’ng nangyari sa ‘yo, bakit nagputik ka?”Nagpakita daw ng racism ang Showtime main host.Bale ba, pinakain pa ng lugaw ni lon Perez si Vice Ganda, which was deemed inappropriate for a family show. Ronnie Carrasco III