Home HOME BANNER STORY Mga opisyal ng COA, ihaharap sa impeachment trial ni VP Sara

Mga opisyal ng COA, ihaharap sa impeachment trial ni VP Sara

3
0

MANILA, Philippines – Ihaharap ngayong linggo ng House prosecution panel ang mga opisyal ng Commission on Audit (COA) sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte upang patibayin ang alegasyon na nagkaroon ng maling paggamit ng confidential funds habang siya ay bise presidente at kalihim ng Department of Education (DepEd).

Inaasahang tetestigo sina Celine May Del Campo, supervising auditor at pinuno ng confidential funds unit ng COA, at dating auditor Roderick Wamil sa Lunes at Martes.

Ipapaliwanag nila ang proseso ng audit, mga notice of disallowance, at mga audit observations kaugnay ng liquidation ng P612.5 milyong confidential at intelligence funds noong 2022 at 2023.

Sa ikalawang article of impeachment, inaakusahan si Duterte ng maling paggamit ng P500 milyon ng Office of the Vice President (OVP) at P112.5 milyon ng DepEd.

Ayon sa depensa, ang mga ginastos ay ayon sa batas at umiiral na mga regulasyon.

Noong nakaraang linggo, tumestigo ang dalawang opisyal ng Land Bank of the Philippines na nagsabing ang mga tauhan ng OVP at DepEd ay nag-encash ng mga tsekeng nagkakahalaga ng sampu-sampu hanggang daan-daang milyong piso, isinilid ang pera sa gym bags, at inilabas ito sa bangko.

“The question then is who last received it and where the money went,” ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.

Dagdag pa niya: “Receipts or liquidation alone are not enough,” at dapat mapatunayan na may tunay na tumanggap, tunay na operasyon, at tunay na resulta ang paggasta ng confidential funds.

Ayon naman kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, hindi exempted sa audit ng COA ang confidential funds at dapat siyasatin kung ang paggasta ay sumunod sa Joint Circular No. 2015-01 at kung nagkaroon ito ng lehitimong resulta, kabilang ang suporta sa mga programa ng pamahalaan laban sa terorismo. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here