Home HOME BANNER STORY Signal No. 1, itinaas sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa bagyong...

Signal No. 1, itinaas sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa bagyong Luis

3
0

MANILA, Philippines – Itinaas ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa ilang bahagi ng Luzon matapos bahagyang humina ang Tropical Depression Luis habang kumikilos pahilagang-kanluran sa silangan ng Isabela.

Ayon sa 11 a.m. bulletin, ang sentro ng bagyo ay nasa 165 kilometro silangan ng Echague, Isabela. Taglay nito ang 45 kph na lakas ng hangin at 55 kph na bugso.

Nakataas ang Signal No. 1 sa mga bahagi ng Cagayan, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Isabela, at Quirino.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga lugar na nasa ilalim ng signal na maging alerto sa minimal hanggang minor na epekto ng malalakas na hangin.

Inaasahan ding palalakasin ng habagat at ng sirkulasyon ng Bagyong Luis ang malalakas hanggang gale-force na bugso ng hangin sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas, pati sa ilang bahagi ng Mindanao, sa Agosto 3 at 4.

Posibleng mag-landfall o dumaan malapit sa Northern Luzon ang Bagyong Luis sa gabi ng Agosto 3 o madaling-araw ng Agosto 4.

Dahil sa epekto ng bagyo, sinuspinde ang klase sa ilang lugar, nakaranas ng mabagal na daloy ng trapiko sa Quezon City, at may mga pasaherong na-stranded sa ilang pantalan noong Lunes ng umaga. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here