Home METRO Tulak huli sa aktong nagbebenta ng shabu sa Valenzuela

Tulak huli sa aktong nagbebenta ng shabu sa Valenzuela

1
0

MANILA, Philippines – Bagsak sa selda ang 36-anyos na kelot nang maaktuhang nagbebenta ng shabu sa kanyang parokyano sa Valenzuela City.

Sa kanyang ulat kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, kinilala ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Lt. Sherwin Dascil ang suspek bilang si alyas “Nick” residente ng Brgy. Parada.

Ayon kay Lt. Dascil, nakatanggap sila ng SMS complaint mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong illegal drug activities sa M. Gregorio Street Barangay Canumay West kaya kaagad niyang inatasan ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng validation at monitoring sa lugar.

Bandang alas-12:30 ng hating gabi nang maaktuhan ng mga tauhan ni Lt. Dascil ang suspek na may iniabot umanong shabu sa isang hindi kilalang lalaki kaya kaagad nila itong nilapitan sabay nagpakilala bilang mga pulis at inaresto si ‘Nick’ habang nagawang makatakas ng kanyang parokyano.

Nakumpiska kay alyas Nick ang limang plastic sachets na naglalaman ng nasa 3.48 ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P26,112, itim na coin purse, isang P500 bill, P200 recovered money, driver’s license at isang motorsiklo na gamit umano nito sa iligal gawain.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangeroud Drug Act of 2002 ang isasampa ng pulisya laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here