MANILA, Philippines – Natatangi si Vice President Sara Duterte ang nagkaroon ng multi-milyong confidential funds bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at bise presidente ng Pilipinas, ayon sa testimonya ng isang senior auditor ng Commission on Audit (COA).
Sa kanyang testimonya sa impeachment trial, sinabi ni Auditor Roderick Wamil, who na nagsilbi sa Intelligence and Confidential Funds Audit Office (ICFAO) mula September 2014 hanggang February 2024, na natatangi sa panahon ni Duterte na nakapag-tuos siya ng confidential funds para sa Office of the Vice President at Department of Education (DepEd).
Tungkulin ng ICFAO, isang unit sa COA na magtuos sa ginastos at paggamit confidential and intelligence funds ng lahat ng government agencies.
“Tanging si Vice President Sara Duterte lang po ang aking na-audit na may confidential funds,” ayon kay Wamil sa impeachment trial.
Sinabi ni Wamil na sa panahon ng kanyang panunungkulan sa ICFAO mula 2014 hanggang 2024, walang confidential funds sina dating Vice President Jejomar Binay, na nagsilbi mula 2010 hanggang 2016, at kahit si dating Vice President Leni Robredo, na nagsilbi mula 2016 hanggang 2022,.
“Since nag-assume po ako noong 2014 sa ICFAO, wala pong naging appropriation for confidential fund si dating Vice President Binay at si dating Vice President Robredo,” aniya.
“Tanging si Vice President Sara Duterte lang po ang nagkaroon ng appropriation for confidential funds,” giit ng auditor.
Inihayag din ni Wamil na natatangi si Duterte bilang kalihim ng edukasyon na nakatanggap ng confidential funds sa panahon ng kanyang panunungkulan sa ICFAO.
“Dahil siya lang po ang naging DepEd secretary na nagkaroon ng confidential funds,” aniya.
Ayon kay Wamil, tinuos niya ang confidential funds ni Duterte sa DepEd na sumasakop sa cash advances na umabot sa P112.5 million mula una at ikatlong yugto ng 2023 o aabot sa P37.5 million kada quarter.
Para sa OVP, sinabi ni Wamil umabot ang confidential funds sa halagang P125 million kada quarter mula fourth quarter ng 2022 hanggang third quarter ng 2023, na may kabuuang P500 million. Ernie Reyes